wala akong ideya kung binabasa mo pa ang mga blog ko oh kung binibisita mo man lang ito..
sana mapansin mo to..
una..
pasensya na..
nasupladahan kita ng hindi sinasadya..nakakainis lang kasi yung ideya na nagpaparamdam ka pa eh hindi naman natin kailangang magkamustahan..
mali ako dun..kaya heto’t kinakausap kita dito..
matagal tagal na din tayong hindi naguusap..hindi ko alam kung sasagot ka dito sa blog/liham ko sa’yo..
tutal, nasa usapang kamusta naman..mabuti naman ang lagay ko..ganun pa rin ang trabaho ko..pero sa ibang kumpanya na..
kung masaya ba ako..oo..masaya ako ngayon..wala akong inaalalang problema oh anu man..masaya kami sa bahay..at oo, buhay pa si lola..hehe si tata nagkasakit..may maintenance na siya ng gamot ngayon, pero ok siya..ganun parin..pero nabawasan ng timbang..si love, may boyfriend na..si shoji..akalain mo yun??
at may ibabalita pa pala ako sayo..
tapos na ako mag aral ame..sa wakas, hindi na ako papasok sa school..sa review center nalang..haha lapit na maging CPA..makakamit ko na ang tagumpay ame..
hindi ako aasang sasagot ka..sapat nang mabasa mo man lang ito..
*kung gusto mo pala sumagot..eto tanong ko..–kamusta na?? ![]()






